INFRA PROJECTS NI DU30 TAPOS HANGGANG 2022

(NI BETH JULIAN)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin sa kanyang nalalabing taon ang mga infrastructure projects ng pamahalaan.

Nais  ng Pangulo na bago matapos ang kanyang termino sa 2022 ay tapos na ang lahat ng proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program kabilang ang Sangley Point International Airport sa Cavite City.

Sa kasalukuyan ay nagtutulung-tulong sa pagtatayo ng Sangley Point International Airport, ang Cavite Holdings, China Communication Construction Co. (CCCC) at China Airport Construction Group Co. Ltd.

Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa ilang business leaders sa Grand Hyatt Hotel in Beijing, China, iginiit niya na ang lahat ng mga tiwaling kawani ng gobyerno na magtatangkang manuhol sa pagpapatupad ng mga infrastructure projects ay mapaparusahan.

114

Related posts

Leave a Comment