(NI DANG SAMSON-GARCIA)
ISINUSULONG ni Senador Manuel ‘Lito’ Lapid ang panukala na magbibigay ng insurance sa mga professional Filipino athletes na sumasabak sa international professional sports competition.
Sa kanyang Senate Bill 1152, iginiit ni Lapid na layon din ng panukala na kilalanin ang karangalang ibinibigay ng mga atleta na lalaban sa 2019 Southeast Asian Games na magsisimula sa November 30.
Titiyakin din sa panukala na hindi mawawalan ng saysay ang mga paghihirap ng mga atleta at hindi sila makalilimutan.
“The Philippines consistently earns respect and adulation from all over the w orld
due to the championships won by our professional athletes with world-class talents,” saad ni Lapid sa kanyang panukala.
Kabilang na anya sa mga dapat kilalanin ay sina Gabriel Elorde, Luisito Espinosa, Gerry Penalosa, Nonito Donaire, at Senador Emmanuel Pacquiao sa boxing arena; Lydia de Vega at Elma Muros Posadas sa Track and Field; Rafael Reyes, Francisco Bustamante at Rubilen Amit sa Billiards; at Eugene Torre sa Chess.
Alinsunod sa panukala, bibigyan ng insurance benefits ang lahat ng professional Filipino athletes na sumasabak sa anumang international professional sports competition.
Saklaw ng insurance coverage ang medical expenses, travel insurance, death benefits, at iba pang kailangan.
156