‘INTERNAL CLEANSING’ SA FILM INDUSTRY HILING NG PDEA

film12

(NI JESSE KABEL)

HINILING ngayon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng internal cleansing sa kanilang hanay ang mga film at tv producers  kasunod ng paglalantad ng ahensiya na posibleng umabot sa 100 ang artistang sangkot sa illegal na droga.

Pinayuhan ng PDEA ang mga TV networks at mga film outfits na i-police ang kanilang hanay gaya ng pagsasagawa ng surprise drug testing sa kanilang mga artista at maging mga crew.

Sa pahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino, dapat magkusa na ang mga network at ang film industry na linisin ang kanilang hanay.

Sa pamamagitan umano ng pagsasagawa ng sorpresa at mandatory drug testing ng mga TV networks at film companies sa kanilang mga artista ay madidiskure kung sinu-sino sa celebrities ang pasok sa illegal drug trades .

Pinag-aaralan ngayon ng PDEA kung kinakailangan dumaan muna sila  MTRCB o sulatan ang mga TV station at film companies para pormal na hilingin ang pagsasagawa ng internal cleansing sa kanilang hanay.

Sinabi ni Aquino na handa ang PDEA na umasiste sa gagawing drug testing sa pamamagitan ng paglalaan ng testing kits at pagtulong ng kanilang mga tauhan.

Una rito, inihayag ng PDEA na may 31 celebrities ang nasa kanilang drug watchlist at may dalawa sa kanila ang nagtutulak ng shabu at party drugs.

Habang karamihan sa mga ito na nasa 20 ang mga lalaki na bumibili at gumagamit ng party drugs, mayroon ding ibang gumagamit ng shabu, marijuana at cocaine.

 

166

Related posts

Leave a Comment