IREGULARIDAD SA HALALAN FAKE NEWS – PPCRV

PINAWI ng election watchdog Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang agam-agam hinggil sa umano’y iregularidad sa katatapos pa lamang na halalan.

Sa isang kalatas, hayagang sinabi ni PPCRV na wala silang nakikitang anomalyang giit ng mga natalong kandidato – partikular sa isyung 68:32 ratio sa bilang na nakuha nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at Vice President Leni Robredo sa halalang ginanap nito lamang nakaraang Lunes.

Sa pag-aaral ng mga henyo sa larangan ng matematika mula sa Ateneo de Manila University, pare-pareho ang dating ng mga bilang dahil sa sinasalamin lamang nito ang “national vote” na base naman sa “random pattern” ng pagpapadala ng mga election results.

“Our take is that the statistical analysis of the data does not indicate any irregularities,” ayon sa pahayag ng PPCRV.

“The relatively consistent distribution of votes may be expected to closely mirror the national vote given the random pattern of receipt of the transmitted results,” dagdag pa nito.

Ani Dr. William Yu, PPCRV IT head, sinuri ng mga eksperto ang distribusyon sa mga rehiyon ng mga naipadalang resulta.  Ang mga pinapadalang boto mula sa mga rehiyon ay sinasabing sampol umano ng ratio ng kabuuang boto sa bansa.

Nagpaalala naman si PPCRV national chairperson Myla Villanueva sa publiko na mag-ingat sa pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon na magbibigay ng pagdududa sa katatapos na halalang kalakip ng umiiral na demokrasya. (RENE CRISOSTOMO)

413

Related posts

Leave a Comment