IRR SA MAHARLIKA INILABAS NA

IPINALABAS na ng Bureau of the Treasury ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Maharlika Investment Fund (MIF) kasunod ng komprehensibong konsultasyon sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP).

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno na inilathala sa Official Gazette, nitong Lunes, Agosto 28, ang detalyadong IRR ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act, gagamitin para sa pagsasaayos ng pagtatatag ng unang “sovereign wealth fund” ng bansa.

Ayon kay Diokno, ang IRR ay ipinadala sa National Printing Office noong nakaraang Agosto 22, at inilathala sa Official Gazette, Agosto 28.

Sa ilalim ng probisyon ng Republic Act 11954, “the IRR outlined the specific guidelines for the operation of the Maharlika Investment Corp. (MIC), which serves as the sole entity responsible for mobilizing and utilizing of the MIF.”

Sa loob ng limang araw ng implementasyon ng IRR, ililipat ng Land Bank at DBP ang kani-kanilang kontribusyon sa “dedicated account” ng Treasury bureau.

(CHRISTIAN DALE)

202

Related posts

Leave a Comment