TRIKE DRIVER PATAY SA TANDEM SA QUEZON

QUEZON – Sa kabila ng umiiral na election gun ban at paglalatag ng Comelec checkpoints ng mga awtoridad, isang tricycle driver ang namatay sa pamamaril ng riding in tandem gunmen sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Rico Abrenica Alvis, 45, matapos barilin ng backrider habang ito ay sakay rin ng kanyang motorsiklo sa Maharlika highway, Brgy. Malabanban Norte dakong alas-6:00 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, sinundan ng mga suspek ang biktima at nang maabutan ay pinaputukan gamit ang .45 kalibreng baril.

Napag-alaman na ang biktima ay dating naaresto dahil sa kasong illegal drugs at ilegal na pag-iingat ng baril.

(NILOU DEL CARMEN)

230

Related posts

Leave a Comment