ISYU SA WPS TATALAKAYIN NG PINAS AT SOUTH KOREA

MAGDARAOS ang Pilipinas at South Korea ng isang maritime dialogue sa Maynila sa susunod na linggo para talakayin ang maritime issues kabilang na ang developments at insidente sa West Philippine Sea.

Sa talumpati ni South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-hwa sa idinaos na South Korea’s National at Armed Forces Day celebration, muli nitong pinagtibay ang posisyon ng kanyang bansa na panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Kinilala rin nito ang Pilipinas bilang ‘important partner’.

“We are happy to have the Philippines as our key partner whom we can trust and rely on against this backdrop. Korea will continue cooperation with the Philippines on military, defense industry and maritime collaboration,” ayon kay Lee.

Winika pa nito na inaasahan niyang dadalo sa talakayan ang mga opisyal ng South Korea mula sa iba’t ibang ministeryo at ahensiya.

“We are expected to cover a variety of issues ranging from maritime ecosystem protection, safety and security in the West Philippine Sea or South China Sea and military to military and defense industry cooperation which is growing,” ang pahayag ni Lee.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng South Korean government na posibleng pag-usapan din ang ‘agreements at memorandums of understanding’ sa idaraos na dayalogo.
Ang huling pagpupulong ay idinaos sa Busan noong 2022.

(CHRISTIAN DALE)

256

Related posts

Leave a Comment