JOBS FOR PWDs

PWDs-1

(Ni Nelson S. Badilla)

Higit 1,000 trabaho ang iaalok ng administrasyong Duterte sa persons with disabilities (PWDs) sa Miyerkules sa Quezon City.

Pangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang proyekto.

Ayon sa DOLE, isasagawa ang job fair sa covered walk ng Quezon City Hall.

Ang mga trabahong iaalok ng iba’t ibang kompanya na kasama sa proyekto ay sa industriya ng business processing, outsourcing, electronics, advertising, hotel, health at wellness, travel, media, logistics, manpower at security services, sales, property management, pharmaceutical, memorial services industries, at iba pa.

Ang pagbibigay ng hanap-buhay sa mga taong may kapansanan ay alinsunod sa itakda ng Republic Act 10524, o Magna Carta for Persons with Disabilities.

Inaatasan ng RA 10524 ang pamahalaan na maglaan ng isang porsiyentong puwersa ng mga manggagawang kabilang sa sektor ng PWDs sa iba’t ibang ahensya nito.

Sinabi rin sa batas na magkakaroon ng incentives ang mga pribadong kompanya kung mahigit sa 100 ng kanilang obrero ay PWDs.

14

Related posts

Leave a Comment