KAHANDAAN NG DOH SA RESPIRATORY ILLNESS SISILIPIN SA SENADO

ISINUSULONG ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ng resolusyon na naglalayong alamin ang kahandaan ng Department of Health sa pagtukoy at pagkontrol sa respiratory illness na kumakalat ngayon sa China at iba pang mga bansa.

Sa Senate Resolution 874, nais ni Villanueva na silipin ng kaukulang kumite ng Senado ang kakayahan ng healthcare system ng Pilipinas na harapin ang posibleng pagtaas ng kaso o outbreak ng mga respiratory illness.

Binigyang-diin ng majority leader na kailangang paigtingin ng department of health(DOH) at iba pang concerned agencies ang minimum public health standard at safety protocol para matugunan ang tumataas na bilang ng mga kaso ng respiratory illness sa bansa.

Kailangan anyang tiyakin na mayroong sapat na suplay ng mga gamot at personal protective equipment.

Binigyang-diin ni Villanueva ang pangangailangang palakasin ang public information, education at communication programs tungkol sa mga nakakahawang respiratory illness.

Kabilang din anya sa mga dapat aniyang gawin ang vaccination drive laban sa influenza, COVID19, pneumonia at iba pang mga sakit.

(DANG SAMSON-GARCIA)

55

Related posts

Leave a Comment