Kahit baha susuungin TAUMBAYAN ‘WAG BITININ SA BAKUNA

0

NAWALA na ang takot at pag-aalinlangan ng taumbayan sa bakuna kontra COVID-19 dahil kahit baha ay nilulusong na ng mga ito upang magkaroon ng proteksyon.

Ito ang tinuran ng mga militanteng mambabatas kahapon matapos makita sa mga larawan na nakapila ang mga tao sa mga vaccination center kahit nakababad sa baha at nababasa ng ulan.

“Hindi hesitation sa bakuna ang isyu ngayon ng mamamayan. Hindi rin takot sa bakuna. In fact sa Manila nakita natin ang pila ng mamamayan para sa bakuna,” ani ACT party-list Rep. France Castro.

Gayunpaman, marami umano sa pumipila ang pinauuwi dahil limitado pa rin ang supply ng bakuna sa bansa at karamihan sa dumarating ay galing pa sa mga donasyon.

Dahil dito, kailangan aniyang magpaliwanag ang gobyerno kung ano na ang nangyari sa mga biniling bakuna na pinondohan ng P82 billion dahil wala umanong report dito ang Inter-Agency Task Force.

“Karamihan pa rin ay mga donasyon. Sana ilabas na ng IATF yung tungkol dito sa…kailan ba talaga darating yung mga biniling bulto ng mga bakuna para maproteksyunan na ang ating mamamayan,” ayon pa kay Castro lalo na’t nasa bansa na ang Delta variant.

Sinabi naman ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat na mula Marso hanggang Hulyo 19, 2021 ay umaabot lamang sa 10,388,188 o 9.6% ng mga Pinoy ang nabakunahan kontra COVID-19.

Sa nasabing bilang ay 4.7M pa lamang aniya ang fully vaccinated.

“Napakalayo nito sa sinasabing new normal. Lalong napakalayo sa herd immunity na ipinangalandakan ng DOH, na inextend pa nga hanggang sa Enero daw ng susunod na taon,” ani Cullamat. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment