Kahit tutol si PDu30 sa balik-eskwela sa Agosto ENROLLMENT SA HUNYO TULOY – MALAKANYANG

TULOY pa rin ang enrollment period na una nang itinakda ng Department of Education (DepEd) mula Hunyo 1 hanggang 30 ngayong taon, para sa school year 2020-2021.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bahagi pa rin ito ng paghahandang ginagawa ng Department of Education para sa pagbabalik edukasyon ng mga bata, hindi man face to face learning ay para sa ibang paraan ng pag-aaral.

Sa kabila aniya na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagang magbalik ang klase ng mga bata sa paraang pisikal na pumapasok sa paaralan ang mga ito, may mga ibang pamamaraan namang inihahanda ang DepEd para hindi matigil ang pag-aaral ng mga bata.

Kabilang sa modes of learning na pwedeng gawin ay ang online o virtual learning gamit ang internet, pwede rin sa pamamagitan ng radyo at telebisyon alinsunod sa blended learning.

Matatandaang, sa Agosto 24, 2020 ang itinakdang petsa ng DepEd para sa pormal na pagbubukas ng mga klase hanggang Abril 30, 2021. CHRISTIAN  DALE

99

Related posts

Leave a Comment