KALIGTASAN NG PINOY FISHERMEN PINAGAGARANTIYA NI DUTERTE SA CHINA

DUTERTE-38

(Ni BETH JULIAN)

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makuha ang garantiya mula sa China para sa karapatan at kaligtasan ng mga mangingisdang Filipino.

Ito ang inhayag ni Pagulong Duterte nang talakayin kamakalawa ng gabi, sa ika-39 na cabinet meeting, ang insidente ng Recto Bank na banggaan ng Chinese vessel at bangkang pangisda ng mga Pinoy noong June 9.

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, nais ni Pangulong Duterte na matalakay ang usapin ng Recto Bank sa bilateral meeting sa China.

“The cabinet discussed the Recto Bank incident where PRRD told the Cabinet that the incident be discussed during the bilateral meetings with China. The President wanted China’s assurance that the rights and safety of our fisherfolks are guaranteed,” ayon kay Panelo.

Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra na siya ang nagbukas ng Recto Bank incident sa other matters na bahagi ng pulong.

Sinabi ni Guevarra na humingi siya ng guidance sa Pangulo hinggil sa nasabing usapin kaya’t agad namang naghayag ng kanyang posisyon sa isyu.

Sa press briefing kahapon sa Malacanang, naglabas ng statement ang Palasyo hinggil sa Recto Bank incident sa pamamagitan ni Panelo na inatasan ng Pangulo na magpaabot ng pahayag sa ngalan ng Office of the President.

Una nang sinabi ng Malacanang na dapat mapanagot ang mga tripulante ng Chinese fishing vessel sa pag-abandona sa 22 mangingisdang Pinoy nang banggain ang kanilang fishing boat sa nasabing lugar.

222

Related posts

Leave a Comment