KAMARA AT SENADO TULOY SA BAKBAKAN

MISTULANG lumalala ang bakbakan ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil sa Charter change sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI) matapos akusahan ng isang kongresista ang mga senador na ayaw lumabas sa kanilang ‘comfort zone” at pakinggan ang mga tao.

Bukod dito, sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na hindi ang taumbayan ang pinoprotektahan ng mga senador kundi ang mga oligarch dahil sa patuloy na pagtutol ng mga ito na amyendahan ang 1987 Constitution.

“Some Senators feign support for Cha-cha but exploit every opportunity to halt it. They don’t want to carry it out via ConCon, via ConAss and now with the People’s Initiative. And everybody can clearly see what this means. They don’t want to get out of their “comfort zones.” This has been their modus operandi since 1987,” ani Barbers.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng manifesto ng mga senador na kumokondena sa PI na para sa mambabatas ay pagtalikod ng mga senador na pakinggan ang boses ng mga ordinaryong Pilipino.

Dahil dito, iginiit ng mambabatas kay House Speaker Martin Romualdez na bigyan na ng otorisasyon ang mga congressman na suportahan ang PI lalo na’t pinagbibintangan lang din umano sila ng mga senador na nasa likod ng pagkilos.

“The real reason (in opposing Charter change) is to perpetuate a Constitution that favors only the oligarchs, and most importantly for the senators, one that grants them undue political longevity,” ayon pa sa kongresista.

Inaawat naman ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang dalawang kapulungan sa bakbakan ng mga ito dahil wala aniyang ibang masasagasaan kundi ang ordinaryong Pilipino.

Sinabi ni Abante na imbes magpalitan ng maaanghang na salita at nagkakapersonalan dahil hindi magkasundo sa Cha-cha ay dapat panatilihin ng mga miyembro ng dalawang Kapulungan ang respeto sa isa’t isa.

(BERNARD TAGUINOD)

29

Related posts

Leave a Comment