KAMARA DESIDIDONG ALISAN NG CONFI FUNDS SI VP SARA

SA kabila ng paninira at pagbabanta umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi magbabago ang isip ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na alisan ng confidential funds ang kanyang anak na si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.

Ito ang tiniyak ni House Deputy Majority Leader, Rep. Franz Pumaren kaugnay ng P1.23 confidential funds ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kinabibilangan ng P650 million ng pangalawang pangulo, na inilipat sa security agencies na may kinalaman sa seguridad sa West Philippine Sea (WPS).

Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng umano’y paninira ni Duterte sa Kongreso kung saan inakusahan niya ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez na pinaka-corrupt dahil sa secret funds bukod sa pork barrel ng mga mambabatas.

“As the good former president should know, we, as lawmakers duly elected by our respective constituents to represent their interests, do not respond well to threats and intimidation. If his allegations have bases, then he should go to the proper channels and file charges,” ani Pumaren.

Ayon kay Pumaren, hindi rin katanggap-tanggap sa Kongreso ang pagbabanta ng dating Pangulo kay House Deputy Minority Leader at ACT Party-list Rep. France Castro na siyang nagsiwalat sa P125 million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) na ginastos nito sa loob lamang ng 11 araw noong 2022.

(BERNARD TAGUINOD)

167

Related posts

Leave a Comment