KAMARA DISMAYADO SA MATAMLAY NA SIN, EXCISE TAX REVENUES

NASIPAT ng isang kongresista ang aniya’y matamlay na koleksyon ng gobyerno mula sa sin at excise tax sa produktong sigarilyo, kasabay ng giit sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na paigtingin ang kanilang programang magtataas ng antas ng pananalapi ng bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, hayagang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na ang pamamayagpag ng mga smuggled na sigarilyo sa merkado ang isa sa pangunahing dahilang nakaaapekto sa koleksyon ng nasabing ahensya.

“The BIR has been cooperative with the Committee in its fight against leakages in our tax collection system. But I am disappointed in the decline in operations against tobacco smuggling. Illicit trade will always be tempting due to high excise taxes. Enforcement is the only deterrent,” ani Salceda.

Ayon sa mambabatas, kailangang palakasin ng BIR ang kanilang operasyon para makakolekta ng tamang buwis.

Pangamba pa ng kongresista, malaking dagok sa susunod na administrasyon ang kabiguan ng BIR na makalikom ng pondo mula sa buwis, lalo pa’t hindi magiging katanggap-tanggap sa mamamayan kung muling magpapataw ng panibagong pasanin ang gobyerno para lamang magkaroon ng sapat na pananalapi ang gobyerno.

“It will be extremely important after the pandemic, when employment is just recovering and the government is reluctant to raise new taxes. Plugging the loopholes will be crucial in raising new revenues.”

Plano naman ng Kamara ang pagbuo ng isang technical working group na mag-iimbestiga sa laban sa tobacco smugglers at pagsasamantala ng mga customs-bonded warehouse. (BERNARD TAGUINOD)

194

Related posts

Leave a Comment