KAMARA KASADO NA SA SONA

0

HANDANG-HANDA na ang Batasan Pambansa complex para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte at nakalatag na ang red carpet na dadaanan ng may 350 mambabatas, cabinet officials at diplomatic corps na inimbitahan sa nasabing okasyon.

Subalit, mistulang itsapuwera si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa SONA sa Lunes (Hulyo 26) dahil hindi pa ito nakatatanggap ng imbitasyon.

Sa isang panayam kay Cayetano, kinumpirma nito na hindi pa siya nakatatanggap ng imbitasyon sa liderato ng Kamara para dumalo nang personal sa huling SONA ni Duterte.

“Well, wala pang imbitasyon so dalawa nakahanda kong damit. Isang Barong at pantalon kapag ka naimbitahan ‘don. Isa namang barong at shorts pagka dun lang sa zoom,” ani Cayetano.

Ginawa ni Cayetano ang pahayag ilang oras matapos kumpirmahin ni House secretary general Mark Llandro Mendoza na naipadala na ng mga ito ang imbitasyon.

Sa katunayan, nagkumpirma na umano si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na dadalo habang wala pang kumpirmasyon sina dating Pangulong Joseph Estrada at Fidel Ramos.

Samantala, mahigpit na ang seguridad sa Batasan Complex bilang bahagi ng paghahanda sa SONA. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment