KAMPO NG PNP OFF LIMITS SA KAMPANYA

pnp1

(NI NICK ECHEVARRIA)

SIMULA sa araw na ito off limits ang lahat ng kampo ng Philippine National Police (PNP) sa bansa sa pangangampanya kaugnay sa pagsisimula ng campaign period para sa national position sa darating na 2019 mid-term elections.

Ito ang ipinahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde kasunod ng muling pagpapaalala sa buong kapulisan na mahaharap sa kaparusahan ang sinuman sa kanilang miyembro na mahuhuling ikinakampanya ang alinman sa mga kandidatong pulitiko.

Mahigpit ding ipinagbabawal ni Albayalde ang pangangampanya ng mga kandidato at paglalagay ng mga election posters sa loob mismo ng mga kampo at sa mga sasakyan  ng pambansang pulisya.

Gayunman inamin ni Albayalde na hindi naman saklaw ng kanilang kapangyarihan na pagbawalan ang ilang mga sibilyan na pumapasok sa mga kampo ng PNP na nakasuot ng mga campaign T-shirt at paraphernalia o mga sticker sa kanilang mga sasakyan.

Partikular na tinukoy ni Albayalde ang mga may-transaksyon sa Firearms and Explosives Office at sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies  (SOCIA).

78

Related posts

Leave a Comment