EX-HEALTH SEC UBIAL IDINAMAY NI GARIN

ubial1

IDINAMAY na ni dating health secretary Janette Garin si dating secretary Paulyn Jean Ubial sa measles outbreak.

Sinabi ni Garin na may pagkukulang din sa pangangampanya ng bakuna si Ubial sa kanyang panahon higit noong mainit ang issue sa Dengvaxia.

Idinagdag nito na sa halip umanong tumulong si Ubial sa pagpapaliwanag ng pagkakaiba sa mga vaccine ay minabuti nitong manahimik at iwasan ang issue.

Sa ngayon ay patuloy na nakatutok ang gobyerno sa paglobo pa ng mga batang nagkakasakit ng tigdas. Patuloy sa pagtanggi ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak matapos ang pagkamatay ng mga batang binakunahan ng Dengvaxia.

110

Related posts

Leave a Comment