(NI KIKO CUETO)
NANAWAGAN ang isang environmental group sa mga Pinoy na iwasan na bumili ng mga kandila na may tinatawag na “lead-cored wicks” dahil makakasama ito sa kalusugan.
Ang panawagan ay kasunod ng inaasahang pagdami ng bibili ng kandila para sa Undas.
Ayon sa grupong Ecowaste, maaring malanghap ang mga kabataan ng lead vapors na makasasama sa kalusugan.
Ayon sa Ecowaste, ang mga naturang kandila ay karaniwan g nabibili sa Binondo, Manila.
Kulay pula ang mga ito at nakalagay sa glass containers.
Pinayuhan nila ang publiko na bumili na lang ng locally-made candles na may braided o twisted cotton bilang wicks.
196