Kapag ‘di umubra, alam na dis! – solon TAKTIKA NG FORMER AIDE NI JPE GAMITIN SA IBANG PRISONERS

(BERNARD TAGUINOD)

GAGAMITIN ng political prisoners ang taktika ng dating chief of staff ni dating senador at ngayo’y Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes kaya ito nakalaya sa kasong plunder.

Nabatid kay Bayan Muna executive vice president at dating Congressman Atty. Carlos Isagani Zarate, bukod sa kaso ni dating senador Liela de Lima, gagamitin din na batayan ang pagpapalaya kay Reyes ng Korte Suprema dahil sa Writ of Interim Habeas Corpus.

“If it applies to Gigi Reyes, there is no reason why the same should not be applied to them (political prisoners),” ani Zarate dahil tulad ng petisyon ni Reyes, masyadong matagal ang paglilitis sa kanilang kaso. Katunayan may ilang inabutan na ng kamatayan na hindi naresolba ang kaso.

Sinabi ng mambabatas na sa lalong madaling panahon ay maghahain ang mga ito ng petisyon sa Korte Suprema para mapalaya ang lahat ng political prisoners gamit ang taktikang ginamit ni Reyes.

Umaasa ang dating mambabatas na tulad ni Reyes ay pagbibigyan ng Korte Suprema ang paglaya ng political prisoners at iba pang ordinaryong mamamayan na dekada nang nakakulong subalit hindi pa nareresolba ang kaso.

“If this does not apply to political prisoners or even ordinary persons long deprived of liberty, then it can be read as another glaring example of the inequity of the country’s justice system – that is, if you are not rich and/or powerful, you will languish in prison, even if you are innocent,” ayon pa kay Zarate.

Naniniwala naman si Albay Rep. Edcel Lagman na magagamit ni De Lima ang taktika ni Reyes kaya pinag-aaralan na umano ng kampo ng dating senador ang pagsasampa ng kahalintulad na petisyon.

“What is even more of a charade is the interminable solitary confinement of former Senator Leila de Lima for trumped up drug charges,” ani Lagman. (BERNARD TAGUINOD)

13

Related posts

Leave a Comment