Kapag itinuloy ang pagbili ng P2.8-B shares sa Malampaya DOE MANANAGOT SA TAUMBAYAN

BINALAAN kahapon ng grupong Bayan Muna si Energy Secretary Alfonso Cusi na mananagot ito kapag itinuloy ang planong pagbili ng P2.8-B na halaga ng shares sa Malampaya consortium ni Dennis Uy kasabay ng pagsasabing mapanganib ang naturang investment.

Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, maituturing na ‘senseless waste of public funds’ ang pagbili ng shares mula sa Malampaya sa harap na rin ng malaking pangangailangan sa malaking pondo ng bansa dahil sa COVID-19 crisis.

“Sec Cusi should oppose such buy out considering the government claim that we have a funding crisis. We warn Sec. Cusi not to waste government funds on risky investments in the midst of the pandemic as this will make him accountable for such loss,” pahayag ni Colmenares.

Una nang naisiwalat sa isang artikulo sa isang pahayagan ang plano ng DOE na bumili ng 10% shares sa 45% shares ni Dennis Uy sa Malampaya sa halagang P2.8-B kung saan iginiit ni Cusi na malaking investment ito na maaaring pagkakitaan ng pamahalaan.

Duda naman si Colmenares na investment ang intensiyon ng pamahalaan sa pagbili ng shares ni Dennis Uy. Aniya, nais lamang i-bail out ng pamahalaan ang tycoon na ngayon ay hinahabol ng kanyang mga creditor.

Tinukoy ni Colmenares ang ultimatum na ibinigay ng BDO kay Uy hanggang June 30, 2020 para ayusin ang kanyang debt equity ratio sa P6-B loan nito noong 2017 at ang P300-M loan pa noong 2014, bukod pa rito ang P1.9-B loan sa Landbank, P25-B utang sa Bank of China at utang sa Philippine National Bank.

“While government is burying us in debt and discontinuing important projects to realign funds for the COVID response, the DOE is investing public funds in a questionable investment by Dennis Uy who is reportedly being asked by his creditors to pay off his overdue obligations. If this is intended to help alleviate Uy’s cash strapped predicament then this is certainly a misuse of public funds for Malacañangs favored friends,” paliwanag pa ni Colmenares.

Sinabi ni Colmenares na dapat mag-inhibit si Cusi sa mga transaksiyon patukoy sa mga kompanya ni Uy dahil noong 2017 ay binili ng Chelsea Logistics Holdings Corp. (CLC) na kompanya ni Uy ang Starlite Ferries, Inc. ng pamilya Cusi.

“Considering that Sec. Cusi previously sold Uy his shipping line, then he should inhibit himself from deciding on that transaction as his relationship with Uy is essentially conflicted,” giit pa ni Colmenares.

Nito lamang Marso 2020 ay nakumpleto ng Udenna Corporation, na kompanya ni Uy, ang pagbili nito sa 45% shares ng Chevron Philippines sa Malampaya Natural Gas Project, ang halaga ng naging bentahan ay hindi naman isinapubliko.

Sa ngayon, ang Malampaya ay ino-operate ng Shell Philippines Exploration, Philippine National Oil Corporation-Exploration Corporation (PNOC-EC) at Udenna Corp. Malampaya Philippines ni Uy.

Ang Malampaya na matatagpuan sa Palawan ang nagsu-supply ng 30% national demand sa kuryente at nagsu-supply rin ng kuryente sa 5 power plants sa Luzon.

Samantala, duda rin ang kolumnistang si Boo Chanco sa gagawing investment ng DOE sa Malampaya. Sa kanyang column ay sinabi ni Chanco na hindi kailangan ng dagdag na shares ng DOE sa Malampaya dahil maaari naman nitong magamit ang 10% shares ng PNOC-EC.

Para kay Chanco, hindi rin maganda na mag-invest pa sa Malampaya dahil ang exploration project na ito ay magtatapos na sa 2024 at maaaring pagdating ng panahon na ito ay wala nang makukuha pang gas.

“Energy Secretary Alfonso Cusi doesn’t need the additional shares now. It is obviously to help a crony who could use some cash these days. That purchase is not without risk. We are talking here of a nearly exhausted gas reserve. While technology can squeeze out some more gas from it, that’s not a guarantee. Drilling new wells in the hope Malampaya can be productive beyond 2024 is a speculative and expensive venture specially with the collapse in world oil prices,” paliwanag ni Chanco.

Umapela pa si Chanco kay Finance Secretary Sonny Dominguez III na bantayan ang investment na sinasabi ni Cusi sa kompanya ni Uy dahil tiyak umano na isa itong ‘sweetheart deal’.

142

Related posts

Leave a Comment