Kapag sumablay BBM admin sa pensyon ng sundalo MAS MALAKING GULO NAKAAMBA

(BERNARD TAGUINOD)

KUNG hindi agad malalapatan ng tama at angkop na solusyon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang usapin ng pensyon sa hanay ng mga sundalo, hindi malayong sumiklab ang mas malaking gulo.

Paglalarawan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, nakaamba ang aniya’y ‘law and order breakdown’ bunsod ng posibleng pagsapi ng retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kalaban ng gobyerno.

Ayon kay Alvarez, higit na kailangan ang agarang pagkilos at tiyakin muna ng pamahalaan na hindi maaapektuhan ang pensyon ng mga retirado at nakatakda pa lang magretirong military and uniformed personnel (MUP) sa isinusulong na reporma sa pension system ng mga sundalo.

Hirit ni Alvarez, karaniwang inaabangan, hinahabol at inaalok ng trabaho ng pribadong sektor – at maging ng mga sindikato ang mga sundalo pagsapit ng mandatory retirement age.

“When a civilian retires, private entities or corporations hire them as consultants because of their expertise in economics, finance, etc. Similarly when an MUP retires, not only civilians, but also lawless and violent opportunists, gravitate towards the expertise of MUPs. Delikado… saan yan papunta? Possible breakdown ng law and order, resulting into uncontrollable chaos,” babala ni Alvarez.

Para sa dating lider ng Kamara, kailangan tiyakin ng pamahalaan na hindi maubos ang pondo para sa pensyon ng mga MUP para hindi matuksong pumasok sa trabahong maglalagay sa panganib sa peace and order ng bansa.

Isa sa mungkahi ng dating House Speaker ay buwagin na ang mga tinatawag nitong ‘parasitic entities sa gobyerno at ilipat sa MUP pension ang sahod ng mga ito.

“Alam mo na, yung mga sobrang laki ng sweldo pero walang ambag na malinaw sa bayan. Rumaraket lang. Maraming ganyan. Malaki matitipid kung tanggalin natin sila,” ani Alvarez.

Gayunpaman, hindi sinabi ng mambabatas kung ano-anong entities ang pinopondohan ng malaki para ipasweldo sa mga rumaraket lamang sa gobyerno.

“The government should not turn its back on our soldiers who committed the best of their years providing the freedom we breathe and protecting the institutions without which government cannot exist. We owe this to them as our debt of gratitude.”

189

Related posts

Leave a Comment