TENSYON SA TAIWAN STRAIT BINABANTAYAN NG PINAS

MAHIGPIT na binabantayan ng Pilipinas ang mga kaganapan sa tumataas na tensyon sa Taiwan Strait.

Kaugnay ito ng isinagawang three-day war games ng China sa paligid ng Taiwan.

Sa isinagawang Center for Strategic and International Studies (CSIS) forum, araw ng Martes, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang labanan ay maituturing na “disaster” lalo na sa Pilipinas dahil malapit ito sa isla.

inulit ni Manalo na ang anomang uri ng pagpapaigting sa tensyon, lalo na sa military conflict, ay maglalagay sa panganib sa mahigit 100,000 Pilipino na nagtatrabaho sa Taiwan.

“[A]ny kind of escalation of tensions or, even worse, some kind of a conflict, military conflict, would have really adverse repercussions in the Philippines,” ang wika ni Manalo.

Bukod dito, inulit din ni Manalo ang kanyang panawagan para sa lahat ng partido na makiisa sa dayalogo.

Nito lamang weekend, nagpadala ang Beijing ng warships at fighter jets sa paligid ng Taiwan para sa military drills kasunod ng pagpunta ni Taiwan President Tsai Ing-wen sa Estados Unidos.

Sinabi ng Chinese Foreign Ministry na ang wargames ay para magsilbing “stern warning to the provocative activities of Taiwan independence secessionist forces and their collusion with external forces.”

Sa ulat, kinokonsidera naman ng China ang Taiwan bilang breakaway province, mahigpit na tinutulan ang anomang uri ng official contact sa pagitan ng US at Taiwan.

Nauna nang hinikayat ng Pilipinas ang Estados Unidos at China na idaan sa pag-uusap ang kanilang ‘strategic rivalry’.

“The present and future relationship between the United States and China is a defining feature of this regional ecosystem,” bahagi ng talumpati ni Manalo sa CSIS forum sa Washington D.C.

At sa tanong kung ang bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Pilipinas ay maituturing na “house equipment” na maaaring gamitin ng US kapag ang tensyon sa Taiwan ay tumindi, sinabi ni Manalo na nagpapatuloy ang pagtalakay rito.

“It will all depend on how discussions go on the type of activities and the terms of references of those activities within any of those sites,” aniya pa rin.

Nauna nang nagbabala ang China hinggil sa posibleng panganib ng pinalawig na military cooperation sa regional peace and stability. (CHRISTIAN DALE)

82

Related posts

Leave a Comment