KAPAG tuluyang naging batas ang panukalang higit na magpapalakas sa Office of the President (OSG) ay siguradong marami nang opisyal ng pamahalaan ang titiklop kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang OSG ay ang abogado ng pamahalaan, kabilang na ang Office of the President (OP).
Ipinasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1823 nitong Miyerkules.
Pangunahing laman ng SB 1823 na ay dagdagan ng mga de-kalibreng abogado, paglulunsad ng mga pagsasanay at seminar upang higit mapaghusay ang mga abogado, at dagdagan ang mga kagamitan nito para sa ikakatalas ng kanilang pagtatanggol sa mga kaso ng pamahalaan laban sa mga kaaway nito.
Si Senador Richard Gordon ang pangunahing isponsor ng panukalang batas.
“The Office of the Solicitor General is in dire need of competent, dedicated and honest lawyers to perform its mandate of being the People’s Tribune and the legal defender of the Republic of the Philippines. We need to aid the OSG to take on this formidable task,” paliwanag ni Gordon.
Pinalakas at pinalawak ang kapangyarihan ng OSG “[to] conciliate, mediate, administratively settle, or adjudicate all disputes, claims, and controversies involving mixed questions of fact and law, or questions of fact only, solely between or among the departments, bureaus, offices, agencies, and instrumentalities of the national government, including constitutional offices or agencies,” susog ng mambabatas.
Ang OSG na kasalukuyang pinamumunuan ni jose Calida ang tanggapan na gumawa ng hakbang upang tanggalin ng mga mahistrado si Ma. Lourdes Sereno sa pagogong punong mahistrado ng Korte Suprema.
Ang OSG ang utak sa pagbuhay sa lumang-lumang kaso dalawang kasong rebelyon ni Senador Antonio Trillanes IV.
Dahil sa aksyon ng OSG, nanatili ng ilang araw si Trillanes sa Senado upang hindi maaresto.
195