HINILING ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na palayain na ang nakakulong na si Senador Leila de Lima.
Sa diwa umano ng kapaskuhan, sinabi ni Pangilinan sa gobyerno na dapat na umano’y lumaya si de Lima base na rin sa pakiusap ng United Nationas Human Rights Council’s Working Group on Arbitrary Detention.
Si de Lima ay patuloy na nakakulong sa Camp Crame dahil sa mga kaso sa droga na isinampa laban sa kanya.
Sa 13-pahinang Opinion, sinabi ng UN council na ‘arbitrary’ at may paglabag sa ilang probisyon ng Universal Declaration of Human Rights and the International Covenant on Civil and Political Rights, ang desisyong ikulong ang senadora.
382