KLASE, TRABAHO SA NCR SINUSPINDE

SINUSPINDE ng Malakanyang ang pasok sa mga pampublikong eskwelahan at trabaho sa mga ahensya ng gobyerno sa National Capital Region (NCR), epektibo alas-7:00 ng umaga kahapon, Agosto 28, dahil sa epekto ng Southwest Monsoon.

Ang suspensyon ng klase at trabaho sa NCR ay tugon sa liham ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec Ariel F Nepomuceno kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Nakasaad sa liham ni Nepomuceno, ipinabatid nito sa Pangulo na bunsod ng nagpapatuloy at forecasted rainfall ngayong araw (kahapon) na nagdadala ng panaka-nakang pag-ulan na may posibilidad na flashfloods sa Kalakhang Maynila dahil sa Southwest Monsoon, inirekomenda nito ang suspensyon ng klase at trabaho sa NCR nitong Miyerkoles.

Ipinaubaya naman nito ang kahalintulad na aksyon para sa pribadong kompanya, tanggapan at eskuwelahan sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno.

Hindi naman kasama rito ang ‘frontline agencies’ na may kinalaman sa emergency services.

Aniya pa, mapipigilan ng ‘recommended suspension’ ang anomang hindi kaaya-ayang insidente at matitiyak ang kaligtasan ng general public. (CHRISTIAN DALE)

45

Related posts

Leave a Comment