KONSTRUKSIYON NG BULACAN INT’L AIRPORT: GAME NA! – DOTr

(NI KEVIN COLLANTES)

‘ALL systems go’ na ang Department of Transportation (DOTr) para sa konstruksiyon ng Bulacan International Airport.

Lumagda na sina DOTr Secretary Arthur Tugade at San Miguel Corporation (SMC) President at Chief Operating Officer Ramon Ang, ng concession agreement para sa SMC unit San Miguel Aerocity Inc. para siyang mag-finance, mag-design, magtayo, mag-operate at magmantine sa massive international airport sa Bulacan.

Nabatid na ang naturang deal ay may 50-year concession period.

Ayon kay Tugade, nilagdaan na rin niya ang Notice to Proceed para masimulan ng San Miguel ang konstruksiyon ng proyekto, na target bago matapos ang taon.

Sinabi ng DOTr na kapag natapos ang proyekto ay makatutulong ang proyekto sa pag-decongest ng NAIA.

Mayroon umano itong apat na parallel runways at annual passenger capacity na aabot ng 200 milyon at inaasahang magiging karagdagang travel option ng mga Pinoy.

“Ang mahalaga po diyan ay ‘yung pasahero, ‘yung riding public. Alam niyo ‘ho kung bakit? ‘Pagkat kung meron nang Bulacan Airport, NAIA at Clark Airport, let it be a battle of commercial competitiveness. And if it becomes a battle of commercial competitiveness, who benefits? It is the riding public, because the riding public will be given a freedom of choice,” anang transportation chief.

“It’s all about comfort. It’s all about convenience. It’s all about putting life to the President’s wish and desire for a comfortable life for Filipinos,” aniya pa.

115

Related posts

Leave a Comment