KONTRATA O DEMANDA?

maynilad1

Maynilad at Manila Water ginisa ni Digong sa sariling mantika

MISTULANG ginisa sa sariling mantika ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Maynilad at Manila Water makaraang bigyan ang mga ito ng opsyon para mapanatiling hawak ang operasyon ng suplay ng tubig sa bansa.

Ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, kabilang sa opsyon ng Pangulo ay ang tanggapin ng mga water concessionaire ang bagong kontrata na walang garantiya na hindi sila kakasuhan kasama ang iba pang kasabwat sa paggawa ng onerous contracts na para sa pamahalaan ay “void ab initio” dahil sa paglabag sa Konstitusyon at batas ng bansa.

Kung tatanggihan aniya ng Maynilad at Manila Water ang bagong kontrata ay agad na ipag-uutos ng Pangulo ang kanselasyon ng kasalukuyang water contracts at i-mandato ang nationalization ng  water services sa kani-kanilang areas of operation at litisin ang lahat ng sangkot maging ito man ay direkta o hindi direktang sangkot sa pag-aayos ng kontrata na nagresulta ng pagdurusa ng sambayanang Filipino.

“There is a time for reckoning. That time has come. Hence, the chief executive is giving water concessionaires the option of accepting the new contracts minus the onerous provisions without any guarantee of not being criminally prosecuted together with those who conspired to craft the very onerous contracts,” ayon kay Sec. Panelo.

Ang pagtanggi rin aniya sa bagong kontrata ay  magbibigay ng go signal sa pamahalaan para isakdal ang mga opisyal ng dalawang water firms at mga indibiduwal  na may ‘kamay’ sa paglikha at pagbuo ng 1997 contracts.

Subalit sakali naman aniya na tanggapin ng mga ito ang bagong kontrata ay hindi naman magagarantiya na maaabsuwelto ang dalawang water companies sa posibleng kasong isasampa laban sa kanila.

Wala namang ibinigay na deadline ang Malakanyang sa magiging desisyon ng Manila Water at Maynilad sa pagtanggap nila o hindi ng bagong kontrata.

Ang Manila Water ay bahagi ng Ayala group of companies, habang ang Maynilad ay jointly owned ng DMCI Holdings Inc. at Metro Pacific Investments Corp. sa pamumuno ng negosyanteng si Manny Pangilinan.

Sa kabilang dako, wala namang balak si Pangulong Duterte na makipagpulong pa sa  mga taong gumawa ng 1997 water concession contracts, at sa pinuno ng nasabing water concessionaires.

Aniya, ang bagong kontrata ay ginawa at binuo ng Office of the Solicitor General at Department of Justice kapalit ng “constitutionally flawed” concession agreements na “violated every prohibited act under the Anti-Graft Law.”

“Duterte “cannot, will not, and can never keep a blind eye to this colossal rip-off”. The Filipinos have lost enormously with the unabated collections by these concessionaires despite the latter’s dismal performance in supplying, delivering and distributing water,” ani Sec. Panelo.

Samantala, matatandaang nagbanta ang Pangulo na sasampahan niya ng fraud charges ang mga may-ari ng dalawang water companies dahil sa onerous provisions ng kasalukuyang kontrata. (CHRISTIAN DALE)

240

Related posts

Leave a Comment