(NI CHRISTIAN DALE)
SINABIHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Elections (Comelec) na putulin na nito ang kontrata sa Smartmatic para sa election results transmission sa Pilipinas.
“I’d like to advise Comelec now: Dispose of Smartmatic and look for a new one that is free of fraud,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati Huwebes ng gabi sa Filipino community sa Japan.
Ang katuwiran ng Pangulo, ayaw na umano ng mga tao sa Smartmatic dahil hindi nabibilang nang totoo ang mga boto nito.
“Kasi ang Liberal (Party) sabi nila nadaya sila. Ako sabi nila nadaya rin. It’s creating an environment of hostile attitude against Smartmatic,” ayon sa Pangulo.
May tatlong taon pa aniya ang komisyon para makahanap ng kapalit ng Smartmatic.
“Kakatapos lang ng election, palitan na ninyo kasi it is no longer acceptable to me and to the people,” ayon sa Punong Ehekutibo.
150