KUDETA VS ANDAYA ‘DI PIPIGILAN NI GLORIA

gma200

(NI BERNARD TAGUINOD)

WALANG plano si dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa makialam sa umano’y planong patalsikin sa kanyang posisyon bilang House Majority Leader si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr.

Sa isang panayam kay Arroyo sa Pampanga noong Sabado, sinabi nito na kapag nagkaroon ng botohan ay iboboto pa rin nito si Andaya bilang kanyang majority leader.

“I am not an interventionist person on political matters. I already said many times in my speeches,” ani Arroyo matapos matanong hinggil sa umano’y plano ni Camarines Sur 1st District LRay Villafuerte na alisin si Andaya bilang Majority leader.

Mismong si Andaya ang unang naglutang ukol sa pagtatanggal sa kanya matapos nitong sabihin na handa ito anumang oras na bawiin sa kanya ang kanyang posisyon dahil hindi niya umano ito inambisyon.

Sa katunayan ay sinabi ni Andaya na siya ang unang boboto para mawala ito sa puwesto kapag mayroong pagkilos para palitan ito sa kanyang puwesto sa pagbabalik trabaho ng Kongreso sa araw na ito, (Enero 14).

“I am only one vote, I’d still vote for Nonoy. I exercise democracy, I think you’ve seen, in the House. I’m very open-minded. The only enforcing I do is only those in the Rules like when there’s no quorum. Those are the only forcing I do,” dagdag pa ni Arroyo.

 

 

269

Related posts

Leave a Comment