(NI AMIHAN SABILLO)
NAGPAPATULOY ang operasyon ng law enforcement ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga komunistang grupong New People’s Army (NPA)
Paglilinaw ito ni PNP Deputy Chief for Operations PLt gen. Camilo Pancratius Cascolan sa kabila ng pagdeklara ni Pangulong Duterte ng unilateral ceasefire sa NPA epektibo hatinggabi ng Disyembre a-23 hanggang hatinggabi ng Enero 7.
Ayon kay Cascolan, tumatalima ang PNP sa ceasefire na ipinag-utos ng Pangulo, at kasalukuyan nang umiiral ang suspension of police operations laban sa NPA.
Pero, paliwanag ni Cascolan, hindi sakop ng ceasefire ang mga law enforcement operations.
Meron pa rin aniyang tungkulin ang PNP na ipatupad ang mga warrant of arrest laban sa mga wanted na NPA dahil ito ay bahagi ng pagpapatupad ng batas na mandato ng PNP.
324