BIGTIME OIL PRICE HIKE SA BISPERAS NG PASKO 

oil price hike12
0

(NI ROSE PULGAR)

NGAYON bisperas ng Pasko, nagpatupad ng bigtime oil hike sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo bukas ng umaga. (Disyembre 24).

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell at PTT Philippines  ang dagdag-presyo na P1.05 kada litro sa kerosene at P1.15 naman sa kada litro ng diesel habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina na epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag-presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Noong Disyembre 17 nagtaas ng P0.60  sentimos  sa kerosene  at P0.40 naman sa diesel at wala naman paggalaw sa presyo ng gasolina nito.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment