LENI INUPAKAN SA MAS MAHAL NA MEDIA COVERAGE

Ipinamahaging relief goods sa Taal victims binarat -netizens

BINANATAN ng netizens si Vice President Leni Robredo dahil mas pinagkagastusan pa umano nito ang media coverage kaysa sa ipinamahaging relief goods nang bumisita ito sa ilang nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas noong isang linggo.

Isang post sa Twitter ng isang Artanacia Oallop, nagpakilalang ‘evacuee’, ang nagsabing limang pirasong pandesal at isang boteng tubig lang ang laman ng natanggap niyang supot ng relief goods mula sa grupo ng bise presidente.

Agad itong pinag-usapan na ikinagalit ng maraming netizens.

Pinabulaanan naman ito ng kampo ng bise presidente sabay post ng video kung saan makikita itong nagre-repack ng mga ipamamahaging relief goods.

Subalit hindi nito napakalma ang mga dismayadong netizen at sinakyan na rin ito ni Overseas Workers Welfare Administration deputy administrator Mocha Uson.

Sa kanyang Facebook post sa pamamagitan ng Mocha Uson Blog, ganito ang binanggit ni Uson:

“Ito ang isang bagay na hindi maintindihan ni FVP LENI ROBREDO.

Hindi nagagalit ang tao dahil sa pagbigay mo di umano ng pandesal (hindi sa akin galing yan, akusasyon yan ng taga Batangas mismo) nagagalit ang tao dahil sa tuwing tumutulong ka DALA MO ANG ISANG BATALYON MONG MEDIA FRIENDS na tila mas madami ka pa daw gastos sa

entourage mo kesa sa pinamimigay mo. Yan sana ang sinagot mo hindi yung gagamit ka lang ng salitang hindi mo naman alam ang totoong kahulugan. Tapos ngayon maglalabas ka na naman ng video ng kesyo madami kang idodonate. Wag po masyadong defensive

#napapaghalataan madam.”

Agad humamig ng 20,000 likes, 2.8K replies at 2.7K shares ang naturang post ni Uson noong Huwebes.

Dagdag pa ni Uson, tinablan o apektado si Robredo sa mga alegasyong binarat niya ang relief goods habang todo-todo kung gumastos para sa kanyang media coverage.

“Affected na affected si Madam. Napilitan magpaphoto op sa pagpapack ng donasyon.

Guilty po ba?” Tweet ni Uson.

Giit pa ng opisyal, sa halip na daanin sa mga picture o video ni Robredo, makakabuting sagutin niya ang mga alegasyon upang mapakalma ang netizens. SAKSI NGAYON NEWS TEAM

169

Related posts

Leave a Comment