(NI BERNARD TAGUINOD)
SINUPALPAL ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Vice President Leni Robredo sa pagsasabi nito na bigo ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya dapat na umano itong itigil.
“I really hope that iba yung pagkasabi ng ating Bise Presidente at iba kung ano ibig niya sabihin.
Because the way it came out was that para bang dapat walang war on drugs, di ba?,” ani Cayetano.
Sinabi ng House leader na kung talagang bigo ang war on drug, hindi lalabas sa survey na 80% ang nagsasabi aniya na mas ligtas na ngayon ang bansa kumpara noon.
“So we have to be careful with our words especially no.2 siya sa Pilipinas.
Failed in the sense it did not curb the number of drug users it was meant to curb?
I disagree with her,” ayon pa kay Cayetano.
ILATAG MO ANG SOLUSYON MO KUNG MAYROON
Dahil dito, hinamon ni Cayetano si Robredo at mga kritiko ng ng anti-ilegal drug war na ilatag ang kanilang solusyon, kung mayroo, kung paaano resolbahin ang problema ng ilegal na droga sa bansa.
Napakadali umano kay Robredo at mga kritiko ni Duterte mula sa ibang bansa ang bumatikos subalit hindi naman umano sinasabi ng mga ito kung ano ang dapat gawin para matigil na ang problemang ito.
“Ano ang programa niyo na mas maganda sa programa ni President Duterte? Kung may programa kayong mas maganda, why not. Pero yung sinasabing legalize [drugs], health-based approach, etc.
Yung legalization ng drugs, hindi akma sa Asians yun or Filipino,” ayon pa kay Cayetano.
“Yes there are problems, even sa pulis. Itong nangyari na ito (kay dating PNP chief Oscar Albayalde) proves the point of the President na napakahirap labanan ang droga dahil kaliwa’t kanan, sa harap at likod mo ang kalaban.
Ang droga pinapasok lahat: ang justice system, ang piskalya, ang pulis,” ayon pa rito.
140