LGUs MANANAGOT SA VACCINE SPOILAGE

KAILANGANG magpaliwanag ang ilang local government units kaugnay sa pagkasira ng “ilang daang doses” ng AstraZeneca vaccine na napaso’ o expired na nito lamang Nobyembre 30.

Ang kinuwestiyong doses ay bahagi ng 1.5 million AstraZeneca vaccine na donasyon sa Pilipinas noong huling bahagi ng Oktubre 2021.

Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na karamihan sa bakuna ay naiturok subalit may ilang daan ang hindi nagamit bago o mismong noong Nobyembre 30.

“We consumed most of that but there are a few hundred doses that expired as of November 30, so that’s the one that we’re going to look into– the LGUs that were unable to inject that,” ayon kay Herbosa sa isang panayam.

“The promise of (Presidential Adviser for COVID-19) Vince Dizon is really to do a show-cause order for the LGUs that had vaccines that expired because this is national government property,” dagdag na pahayag nito.

Kailangang makapagbigay aniya ng katanggap-tanggap na dahilan ang mga concerned LGU sa pagkakaantala sa pagtuturok ng bakuna hanggang sa napaso’ o na-expired ang mga ito.

Samantala, tiniyak ni Herbosa na magiging “well-distributed” ang mga bakuna batay sa kapasidad at pangangailangan ng LGUs.

Kumpiyansa rin si Herbosa na mapatataas pa ng Pilipinas ang inoculation rates dahil marami ng mga Pilipino ang hindi na nag-aalinlangan na magpabakuna na kitang-kita aniya sa kinalabasan ng three-day vaccination drive. (CHRISTIAN DALE)

159

Related posts

Leave a Comment