LIBONG VOLUNTEERS LUMAHOK SA COASTAL CLEAN-UP

SANIB-PWERSA sa paglilinis at pamumulot ng basura ang mga ahensya ng pamahalaan at libong volunteers kaugnay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day kahapon.

Humigit-kumulang 4,000 volunteers, kabilang ang mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines, ang lumahok sa paglilinis ng Dolomite Beach sa Maynila.

Samantala, nasa 1,000 volunteers naman ang nakiisa sa aktibidad sa Estero de Sunog Apo sa Tondo habang pinangunahan naman ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang paglilinis sa beach area ng Baseco.

Nakiisa rin ang Philippine Air Force 1st Air Force Wing Reserve sa pangunguna ni BGen Charito B Plaza, 11AFGR Group Commander LtC Elmer Nicolas, 11AFGR Deputy Group Commander Major Celerino Umandap at Major Hazel May Tagupa, sa International Coastal Clean-up (ICC) Day sa Manila Baywalk Dolomite Beach at BASECO beach.

Lumahok naman ang 13th AFGR, sa pangunguna nina Group Commander Ltc Jocelyn Lim at Maj Antonio Uy, sa clean-up sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park kasama ang 53 volunteers mula sa Air Force reserve.

Ang ICC ay isang coastal clean-up movement na ginaganap taon-taon hindi lang sa Pilipinas kundi sa higit 100 na bansa. Ang tema ngayong taon ay “Clean Seas for Healthy Fisheries”.

(RENE CRISOSTOMO)

291

Related posts

Leave a Comment