(JOEL O. AMONGO)
HINAMON ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Congressman Arnolfo “Arnie” Teves si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na pangalanan nito ang sinabi niyang warlords na nagbibigay ng proteksyon sa kongresista.
Sa isang pahayag, kinuwestyon ni Atty. Topacio ang deklarasyon ni Remulla na protektado si Teves ng ilang local warlords.
“Which ‘warlords’ is he talking about? Who are these ‘warlords’? How do they even qualify as warlords? Mr. Remulla, could you please identify who these warlords are [and] where and why they are considered warlords? Are they in Afghanistan? In Somalia?,” ayon pa sa kanya.
“And please do not hide behind your stock answer of purportedly not dignifying questions from us, which we all know is the way of the weakling. These are legitimate questions,” dagdag pa ni Atty. Topacio.
Nauna rito, sa isinagawang press conference noong nakaraang Miyerkoles ay sinabi ni Remulla na si Teves na nagtatago sa Southeast Asia ay pinoprotektahan ng ilang “local warlords.”
“Yun ang balita sa ‘min,” dagdag pa ni Remulla.
“Pero titignan natin kasi ASEAN ‘yan eh. Under the ASEAN, we can actually ask them more upfront about what’s happening in their countries, especially somebody who is a known terrorist being harbored by anybody,” banggit pa ng opisyal.
Sinabi pa niya, na ang gobyerno ay tinatapos pa ang kanilang sulat sa United Nations, na nagpapabatid na ang arrest order ay inilabas na laban kay Teves, na itinuturing bilang isang terorista.
Kamakailan, ang isang korte sa Manila ay nag-isyu ng arrest warrant laban sa dating kongresista para sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam iba pa.
Naniniwala naman si Remulla na hindi magiging problema ang pag-aresto kay Teves.
Idinagdag pa niya na sa kasalukuyan ay minomonitor at binabantayan na ng mga awtoridad ang galaw ni Teves.
Itinatanggi naman ni Teves ang mga akusasyon laban sa kanya, kasama ang mga pag-uugnay sa kanya sa patayan sa kanyang lalawigan, na aniya ay matatawag na isang klase ng “political persecution.”
171