LIBRENG KAPON, BAKUNA KONTRA RABIES SA ASO’T PUSA

SA paggunita sa World Rabies Day, nagsagawa ang Villar Foundation sa pangunguna ni Sen. Cynthia Villar ng ika-anim na Libreng Kapon at Ligate Para sa Aso o Pusa ng Las Piñas/Bacoor, kasama ang pagbibigay ng libreng bakuna laban sa rabies.

Mahigit 200 pet parents ang nagpunta sa Villar Farm para makakuha ng mga benepisyo. Ang programang ito ay regular na ginagawa ng Villar Foundation upang isulong ang responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop at suportahan ang pandaigdigang paglaban sa rabies.

Ginugunita ang World Rabies Day tuwing ika-28 ng Setyembre kada taon. (DANNY BACOLOD)

40

Related posts

Leave a Comment