(NI BERNARD TAGUINOD)
MAPUPURNADA ang kahilingan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na malilibre sa buwis matapos kontrahin ito ng chair ng House committee on ways and means.
“The answer is no,” ani Albay Rep. Joey Salceda, chair ng nasabing komite na ang trabaho ay maghanap ng perang gagastusin ng gobyerno sa mga programa at imprastraktura.
Ginawa ni Salceda ang pahayag matapos imungkahi ni Albay Rep. Edcel Lagman na ilibre sa buwis ang PCSO at ang matitipid ay ilaan sa charity upang mas marami pang matulungang mahihirap na pasyente na sinuportahan naman ni PSCO chairperson Royina Garma.
Noong 2018, umaabot sa P16.7 Billion ang binayarang buwis ng PCSO na halos doble ang laki sa P9 Billion na ginastos ng ahensya sa kanilang charity program o itinulong sa mga mahihirap na pasyente.
“They are asking too much far more than they could chew. Assuming they retain the P26 billion, they don’t have the delivery system to efficiently and effectively in terms of targeting poor patients or simply the processing an expansive constituency given that they are organised only at provincial level,” ani Salceda.
Malinaw aniya sa charter ng PCSO na medical assistance lamang ang kanilang trabaho at maghanap ng pondo para sa health delivery na nakaatang naman sa Philhealth, Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs).
“They want to do the role of DOH PHIC and LGUs, like DSWD pang-support lang sila sa kulang ng indigents. Eh baka mawindang sila pag kinalkal ang patient profiles mas marami ang non-indigents,” anang mambabatas.
191