LIFESTYLE CHECK SA DENR OFFICIALS

IMINUNGKAHI ni Senador Raffy Tulfo na isailalim sa ‘lifestyle check’ ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa pagtalakay sa budget ng DENR sa plenaryo, sinabi ni Tulfo na dapat maisailalim sa ‘lifestyle check’ ang mga undersecretary at assistant secretaries ng ahensya.

Sinabi ni Tulfo na mayroong nakaupong mga Undersecretary sa ahensya na aniya’y panahon pa ng ‘dinosaur’ ay naroroon na at nagka-dementia na dahil nakalimutang gawin nang tama ang kanilang tungkulin.

Iginiit pa ng senador na mayroon siyang ebidensya sa mga katiwalian ng ilang opisyal ng DENR kabilang ang pakikipagsabwatan umano sa illegal miners.

Sinabi naman ni Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga na bumuo na sila ng team na may kaparehong layunin, integridad at commitment.

Subalit hindi kuntento ang senador at iginiit na panahon nang magpatupad ng tunay na paglilinis sa ahensya. (DANG SAMSON-GARCIA)

22

Related posts

Leave a Comment