LIGTAS NA PAGLIKAS NG OFWs SA LIBYA PINATITIYAK

libya26

(NI NOEL ABUEL)

PINATITIYAK sa Senado sa Department of Foreign Affairs (DFA) na makakauwing ligtas sa Pilipinas ang lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa gulong nangyayari sa Libya.

Ayon kay Senador Sonny Angara, kailangan siguruhin ng mga ahensya ng pamahalaan na maibibigay ang lahat ng tulong sa mga ililikas na manggagawang Filipino sa naturang bansa.

Kasabay nito umapela rin ang senador sa mga OFWs na sumunod sa utos ng mga opisyales ng DFA para masigurong walang mangyayaring aberya sa paglilikas sa mga ito.

“We are appealing to all our kababayan in Libya to remove themselves out of harm’s way by getting themselves repatriated to the Philippines. We also ask the government to ensure the safe return of Filipinos who wish to avail of the repatriation program,” sabi ni Angara.

Una nito, itinaas ng DFA ang alert level III sa mga Filipino na nasa Libya na magpapatupad ng voluntary repatriation.

Sa datos, aabot sa 3,500 ang mga OFWs na nagtatrabaho sa nasabing African state.

Sinabi pa ni Angara na walang dapat na ipag-alala ang mga uuwing OFWs dahil sa nakahanda ang gobyerno na ibigay ang lahat ng kailangan ng mga ito base na rin sa itinatadhana ng Republic Act 10801.

“Huwag sanang mag-alinlangan ang ating kababayang OFWs (overseas Filipino workers) dahil may mga programa ang gobyerno para sa kanila. Ang benepisyong ito ay nanggaling mismo sa kanilang bulsa kaya marapat lamang na sila ay makinabang dito lalo na sa panahong kailangan nila ng tulong,” paliwanag pa ni Angara.

211

Related posts

Leave a Comment