TOLL HIKE IPINATUPAD SA SCTEX, MCEX

sctex12

(NI MAC CABREROS)

MATAPOS itaas ng NLEX (North Luzon Expressway) Corporation ang toll rate, magdaragdag naman ng singil sa  Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCeX).

Ito’y makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board ang petisyon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Ayala Corporation na nangangasiwa sa SCTEx at MCeX, ayon sa pagkakasunod.

Ayon Alberto Suansing, tagapagsalita, natanggap na ng BCDA at Ayala Corp. ang resolusyon na nagtakda ng aprubadong rate.

“The TRB resolutions approving MCeX and SCTEx petitions were received by them last week,” ayon Suansing.

“However, they need to publish it in a newspaper of general circulation for three consecutive weeks after that, the TRB will issue a Notice to Start collection,” dagdag nito.

Nakasaad sa resolusyon ang bagong rates sa SCTEx ang Class 1: P3.189230/km (kasama ang VAT) at  P3.571937/km (kasama ang VAT) Class 2: P6.378460/km (kasama ang VAT exclusive) at P7.1433875/km (kasama ang VAT) Class 3: P9.567690/km ( kasama ang VAT) at P10.715812/km (kasama ang VAT).

Para sa MCeX: Class 1: P17.34 o P17.00 Class 2: P34.67 o P35.00 Class 3: P52.01 o P52.00.

82

Related posts

Leave a Comment