Litrato kasama sina PBBM at Panganiban kumalat 3 SUGAR IMPORTERS TUBONG-LUGAW

(DANG SAMSON-GARCIA)

IBINUNYAG ni Seandor Risa Hontiveros ang tinawag nitong ‘tubong-lugaw’ na maaaring kitain ng mga napiling importers ng asukal ng Department of Agriculture.

Sa impormasyon ni Hontiveros, isang industrial user company ang humiling na kay Agriculture Usec. Domingo Panganiban kung maaari silang mag-import ng asukal sa Thailand para sa pansariling gamit.

Gayunman, sa halip na makatulong para makatipid ang kumpanyang humingi ng tulong sa ahensya ay itinuro ni Panganiban ang kumpanya sa tatlong importers ng asukal kasama ang All Asian Countertrade”.

Nang lumapit naman anya ang kumpanya sa All Asian Countertrade ay pinresyuhan ito ng wholesale price ng asukal na P85 kada kilo na may tubo na P24 dahil nasa P61 lamang ang presyo kung kukwentahin.

Limampung beses aniya ang itinubo sa presyo ng asukal dahil makakabili naman ng wholesale ng refined sugar sa Thailand ng P25 kada kilo.

Sa 440,000 metric tons na iaangkat na asukal ngayong taon mula sa tatlong piling trade importers ng DA, inaasahang tutubo ang mga ito ng P10.5 billion.

Duda rin si Hontiveros kung may impluwensya ang Malakanyang sa tatlong napiling sugar traders matapos lumutang ang larawan na kasama ng mga ito sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Usec. Panganiban.

215

Related posts

Leave a Comment