LOBBYING NG GENCOS SA EPIRA LAW POSIBLE – SOLON

HINDI isinasantabi ng isang mambabatas sa Kamara ang posibilidad na matindi ang lobbying ng power industry players lalo na ang Generation Companies (GenCos) kaya walang nangyayari sa mga panukalang ibasura ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Pinahiwatig ito ni Gabriela party-list Rep. Arlee Brosas sa isang radio interview.

Sinabi ng mambabatas na marami na silang panukalang batas para amyendahan ang EPIRA Law na unang ipinatupad noong 2001.

Kabilang sa mga nais ng grupo ni Brosas ay ibalik sa kontrol ng gobyerno ang power industry dahil kabilang ito sa serbisyo publiko na hindi dapat pagkakitaan tulad ng nangyayari ngayon.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni ACT party-list Rep. France Castro na nararapat nang bawiin ng gobyerno ang nasabing industriya dahil lumalabas na hindi kaya ng industry players na tiyaking sapat ang supply ng kuryente lalo na sa panahon ng tag-init.

“Privatization destabilizes the power industry for consumers, leading to relentless power rate hikes and frequent brownouts. This results in cartels colluding on industry conditions, as seen in Luzon and Visayas where privatization has caused record-high power rates, setting a worrying precedent for Mindanao,” ani Castro.

(BERNARD TAGUINOD)

36

Related posts

Leave a Comment