SOURCE NG DEEPFAKE AUDIO NI PBBM TUKOY NA NG PNP

INIHAYAG ng Palasyo na natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng source sa deepfake audio ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa ulat mula sa Malakanyang, natunton na ng PNP Anti-Cybercrime Group ang posibleng source ng deepfake technology na ginamit ang boses ni Pangulong Marcos.

Paliwanag sa media ni Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng pambansang pulisya, tinututukan ng PNP-ACG ang lawak ng pagkakasangkot ng nasabing source.

Pinangungunahan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang isinasagawang cyber forensic hinggil sa deepfake audio recording ni Pangulong Marcos na itinuturing na malisyoso, manipulative at edited material, gamit ang artificial intelligence (AI).

Nabatid na take-down na ng ACG ang deepfake audio matapos na

matukoy ang posibleng location o pinagmulan ng deepfake audio.

Kaugnay nito, tiniyak ng PNP na mananagot ang mga taong nasa likod ng IA generated deepfake audio.

“Whether this is intentional or not, those people behind this deepfake audio will be held accountable,” ani Fajardo.

Magugunitang maging ang Department of Justice (DOJ) ay inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa rin ng sariling imbestigasyon at papanagutin ang mga indibidwal na sangkot sa deepfake audio sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga ito.

Sa kabilang dako, nagbabala naman ang Presidential Communications Office (PCO) sa naglipanang malisyosong materials sa social media platforms.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pagpapakalat ng deepfake audio ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nag-uutos sa hanay ng militar na makialam sakaling magdulot ng banta ang China sa Pilipinas.

Agad na itinanggi ng PCO official ang fabricated audio ng Pangulo na mabilis na binura sa social media platforms.

Base ito sa suspetsa ng DICT, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Patricia Kayle Martin.

Kaugnay nito, hinimok ng PCO official ang publiko na itigil ang pagpapakalat ng fake news at binigyang diin na maaaring magpahamak ito sa foreign relations at national security.

(JESSE KABEL RUIZ)

39

Related posts

Leave a Comment