LOISA ANDALIO ASAWA NA ANG TURING KAY RONNIE ALONTE

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

MAG-ASAWA na ang turingan nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio kahit na nga magkasintahan pa lang ang dalawa.

Nag-post si Loisa ng photo ni Ronnie sa kanyang Instagram wall. Kuha ito sa 2019 ABS-CBN Ball na ginanap sa Shangri-La Hotel. Hindi napigilan ni Loisa na kiligin sa itsura ng kanyang boyfriend.

Naloka ang ilan at ang iba naman ay natuwa sa pagturing ng young aktres sa kasintahan.

Sey kasi ni Loisa sa caption ng larawan, “ang guwapo naman ng mister ko”.

Sina Loisa at Ronnie ang bagong love team na sumusunod sa yapak nina Liza Soberano at Enrique Gil kung ang tindi ng pagmamahalan sa isa’t-isa ang pagbabasehan.

Asawa rin ang turing at tingin ni Enrique kay Liza, na ayon sa kanya ay hindi niya kayang mawala sa buhay niya.

Huwag lang sanang mabuwag ang team-up nina Loisa at Ronnie, o magkaroon ng isyu sa kanilang relasyon, dahil marami ang masasaktan ‘pag nagkataon, lalo na ang kanilang mga fans

BEA, JULIA KASALI SA BEST-DRESSED STARS NG ABS-CBN BALL

Malayo pa sa planetang Pluto ang posibilidad na mag-reconcile o magsama ang magkaaway na sina Julia Barretto at Bea Alonzo, pero nagawang pagsamahin ang dalawa sa listahan ng mga best dressed nang gabi ng 2019 ABS-CBN Ball.

Nag-post ang eventologist at fashionista na si Tim Yap sa Instagram wall niya ng listahan ng para sa kanya ay ang stunner at best dressed noong gabing yun.

Isinama niya si Bea at Julia sa kanyang personal choices na maningning na stars noong gabi.

Magkasunod ang mga larawan nina Julia at Bea sa photo gallery ni Tim.

Bukod kay Tim, marami rin ang nag-poste ng kanilang choices sa social media na magkasama sina Julia at Bea sa best dressed stars.

Bigo nga lang ang mga umasang magkikita at magkapatawaran na ang dalawang beauties.

Hindi rin naman nagtangka ang mga common friends at network bosses na pagharapin ang dalawa para ayusin ang kanilang sigalot.

Anyways, kabilang din sa best-dressed list sina ni Kim sina Pia Wurtzbach, Liza Soberano, Beauty Gonzales, Maja Salvador, at Anne Curtis.

 

209

Related posts

Leave a Comment