DRUG LORDS SA BUCOR ITAPON SA WPS — SOLON

west12

(NI ABBY MENDOZA)

BILANG radikal na solusyon sa mga nakakulong na bigtime drug lords na tuloy pa rin sa pagbebenta ng illegal drugs, iminungkahi ng isang lady solon na itapon ang mga ito sa West Philippine Sea.

Sinabi ni ACT CIS Rep. Niña Taduran na  kailangan sa isang isla na walang signal ng cellphone, walang bantay na maaring suhulan at walang paraan upang makatakas ikulong ang mga druglords.

Hindi na kailangan ng dagdagan ang  bantay dahil nasa WPS ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

“The move would in fact solve not only all the problems hounding the New Bilibid Prison at the moment, but also help the Philippine government assert its claim over these islands in the West Philippine sea, by populating them with Filipino prisoners”ani Taduran.

Isinusulong din  ni Taduran na ang lahat ng preso sa National Bilibid Prison ay ilipat sa iba’t ibang mga penal colonies at ang lupang kinatatayuan ng Bilibid Prison ay ibenta sa private sector para pondohan ang makabuluhang proyekto ng Build, Build, Build Program.

“Nasa likod lang ng Ayala Alabang ang NBP, mas pakikinabangan ng pamahalaan kung ibebenta na lang ang lupang ‘yan, kaysa patirahin diyan ang mga pasaway na drug lords,”giit pa ni Taduran.

 

78

Related posts

Leave a Comment