LPA BINABANTAYAN NG PAGASA

lpa12

MINAMANMANAN ng weather bureau ang low pressure area sa labas ng Philippine area of responsibility.

Bandang alas-4:00 ng umaga, ang weather disturbance ay nasa 1,265 kilometers east ng Mindanao. Wala pa umano itong direktang epekto sa bansa, ayon kay weather specialist Meno Mendoza.

Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at lalawigan ng Aurora ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may pag-ulan dahil sa frontal system na nakaaapekto sa Northern Luzon.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng magandang panahon na may mga pag-ulan sa ilang panig.

 

147

Related posts

Leave a Comment