MABABANG SINGIL SA KORYENTE NGAYONG ENERO

MERALCO-1

ASAHAN umano ang pagbaba ng singil sa koryente dahil sa mababang generation charges, ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Sinabi ni Zaldarriaga na umaasa sila sa pagbaba ng singil subalit wala pa umanong eksaktong rate na inilalabas ang kanyang ahensiya.  “Hindi pa namin alam ang rate pero tyak na mararamdaman ito ng consumers,” sabi pa ni Zaldarriaga.

Ang power rates ay kadalasan umanong mababa tuwing Enero dahil nagagamit pa umano ang outage allowance noong nakaraang taon.

Nakatakda namang ianunsiyo ng Meralco ang aktuwal na rate ngayong linggo.

8

Related posts

Leave a Comment