(NI ABBY MENDOZA)
NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology(Phivolcs) sa posibilidad ng pagkakaroon ng 8.0 magnitude quake sa Surigao del Norte matapos umabot na sa 673 ang naitalang aftershocks sa Surigao del Norte matapos ang 5.5 magnitude quake noong Abril 26.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang kumpol-kumpol na lindol ay tinatawag na earthquake swarm, aniya, dalawang scenario ang maaaring mangyari kapag may earthquake swarm, una ay manatili ang pagkakaroon ng maliliit na pagyanig at ang ikalawa ay maaring magdulot ng malakas na lindol, sa kaso umano sa Surigao ay binabantayan nila ang posibilidad na umabot ng magnitude 8 at maaaring magdulot ito ng tsunami.
Nitong unang bahagi ng taon ay nagkaroon na rin ng earthquake swam sa ibat- ibang bahagi ng bansa at pagkatapos nito ay nagkaroon ng 6.0 magnitude quake, maaari umano na ganito lamang din ang mangyari o mas malakas na sya ngayong minomonitor ng Phivolcs.
“Hindi natin iniaalis ang maging scenario natin diyan ay mga magnitude 8, na kung ganyan ang mangyayari na malakas eh yung tsunami naman ang ating babantayan,” pahayag ni Solidum.
Ipinaliwanag ni Solidum na kung pagbabantayan ang mga kaso ng swarm earthquakes sa Surigao ay wala namang malaking nangyari ngunit hindi umano dapat maging kampante.
“Hindi talaga natin pwedeng tanggalin yung ganung scenario at kailangan pa rin bantayan at maging handa,” giit pa ni Solidum.
Kasabay ng babala ay umapela si Solidum sa mga residente na nasa coastal communities sa Surigao na palagiang maging alerto, iminungkahi din ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan na magkaroon ng regular na pagsasanay upang maging handa sa lindol o tsunami.
487